MADUNONG SA POPULASYON

Ang mabuting epekto ng paglaki ng populasyon ay maraming mga tao na magtutulungan upang magawa ang isang proyekto o gawain sa takdang oras. Magkakaroon ng mga bagong kaibigan na pagkakatiwalaan ang mga tao dahil masaya mamuhay kung malaki ang iyong pamilya.

Ang masamang epekto ng paglaki ng populasyon ay kakulangan sa pagkain dahil mahirap na maghanap ng trabaho ngayon at kawalan ng tirahan dahil maramingkailangang gawin o bilhin na importanteng bagay ng mag-anak. kailangan natingmagsikap sa pag-aaral upang matupad ang ating mga pangarap at hindi tayomaghirap.Maraming kakambal na problema ang malaking populasyon, lalo na sa ‘third world” country na tulad natin. Nang-una ang kahirapan na mayroong sanga-sangang epekto gaya ng gutom,krimen, corruption, kawalan ng tamang edukasyon, unemployment at iba pa.

Ang malaking populasyon ay may negatibong epekto sa kalikasan. Kung malakiang populasyon, nai-stress ng husto, at kinukulang ang natural resources ng isang bansa at kasabay na nakokonsumo ang enerhiya. Ngayon pa nga lang ay ramdam na natin ang krisis sa tubig at kuryente. Hindi lang ang ‘global changes sa klimaang ugat nito kundi malaking bahagi rin ang dumaraming tao sa Pilipinas. Andiyan din ang suliranin sa basura at polusyon sa paglobo ng populasyon.

Image result for isyu sa puerto princesa

Sa Puerto Prinsesa City nasa tayang 10 metrikong toneladang basura ang nakokolektang tanggapan ng Solid waste. Hindi pa natin masyadong pinu-problema ito sangayon. Paano na kaya kung ma-triple ang populasyon tulad ng sa ibang lunsod sa bansa, ito ang araw-araw na bangungot sa kanilang kapaligiran.

Ang paglobo ng populasyon ay nagdudulot din ng negatibong epekto sa moralidad.Kapag kumakalam ang sikmura ng isang pamilya, hindi na maituro ang tamang prinsipyo at magandang asal sa mga bata. Imbes na respeto at pagmamahal sa kapwa ay “survival instinct” ang namamayani sa mga tahanan.

Author: MillenialPopulationExploration

Good day readers of my blog! thank you for following this activity. Be happy and contented in what you have today. Please follow my blog I guarantee that you will learn many things here.

Leave a comment